Crashing PC

gusto ko na maayos ang virus problem ng deskstop pc ko.. kasi pag nagpapasok ako ng kahit na anong portable device asahan mo pagtangal ko may virus na agad!! grrr… gusto ko na i-format kaya lang nagloloko na yung vios nia eh.. ipaformat ko naman sa technician na kilala ko. pagkaformat pa lang meron an agad virus… :( ( ano na gagawin ko cant anyone help po…

Leave a comment »

what I feel

 

how can I start again?

can anyone cheer me up?

what I really feel right now is hard to explain.

who cares about what I really feel.

NO ONE I guess…!!!

 

Comments (1) »

wish

Makuha ko na sana yung new ID ko sa agency! pati yung ATM ko para sa sweldo.

MAGSTART NA SANA AKO SA TUESDAY!

Salamat po Jesus..

Leave a comment »

Lamang ng Isip ni Ngo-Ngo

magulo pa rin ang utak ko ngayon!

lahat ng mga tanong ko sa buhay ko wala pa ring sagot.

kelan nga ba nagkaroon ng sagot? puro na lang tanong. sana isang araw yung mga tanong ko eh masagot naman.

pero weird noh? I keep on complaining sobra this past few days.

kanina nagkaroon nanaman kami ng diskusyon ng tita ko. sabi niya. “palagi ka na lang naniniwala sa sarili mo! nakadipende sa mga ginagawa mo!”…..

yung mga bells tumunog sa utak ko.

bigla ko na lang naisip. lahat nga ng nangyayari sa akin ipinagpapasa dyos ko na eh.

hindi ko kaya na dumepende sa sarili ko. alam ko yun. bakit kaya naisip ng tita ko yun.

nasaktan pa ako sa sinabi niya kanina na kamag-anak ka lang namin kaya hindi ka namin maiwan sa ere. bulls eye.. knock out na.. wala akong laban.. taas kamay!

sana makalimutan na nila ang mga mali kong nagawa. all my life naman eh. sumusunod ako sa lahat ng pinagagawa nila kahit na ayaw ko.

hindi ko nga kayang depensahan ang sarili ko sa kanila eh. isa pa hindi lang nila alam mahal ko sila.

pero kahit sabihin ko sa kanila yun hindi naman sila maniniwala sa akin………

Leave a comment »

worries..

honestly speaking hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon! para akong nakabitin sa ere.. na konti na lang malalaglag na. alam mo yung feeling na ganun? well, dahil toh dun sa agency na pinasukan ko. after my training parang wala na. dyosko po. kelangan ko ng work. ang tagal ko hinintay yung magkakatrabaho ulit. umasa ako na sure ball na yung sa agency dahil nagtraining na po ako. for 5 days tapos wala pang sweldo.. ngaun maghihintay nanaman ako.

nakakahiya na kina mama dahil 3 months na akong nagtraining sa encoding tapos ngayon umaasa na meron na akong work ulit. makakapahinga na sila sa pagbibigay sa akin. pero parang unclear pa rin ang lahat. sana worth working yung training na walang bayad na yun.

alam na ng madlang people na may work na ko. :( Oh God please po sana matuloy na po. I will be glad to work hard for a good pay.. sabi ko naman po sa inyo na pag nagkawork po ako ulit mamahalin ko po.

Leave a comment »

kwentuhan with Ms.Ngo

(\(\
(=’.')
o(_”)”)
+?-+
+-?+
+?-+
+-?+
+?-+
………………….. ·.¸¸.·´¯`·.¸¸.??

hoy adik?
*lingon si ngongo*
ngo-ngo: ako ba yun? hmmm….?

ay naku ha. obvious na adik ka sa fluff! haha.. buti tumigil ka na?

ngo-ngo: ha. xe pagod na ko.

ha… sa bagay kanina ka pa nakaharap sa laptop mo. hehe… musta ka naman?

ngo-ngo: okey lang me. eto wala ako work bukas kaya online me. natapos ko na yung training ko sa sm sta.mesa. wait na lang me para sa ID ko at wait ng posting kung kelan ako magstart magwork dun.

well.. hindi yan ang nababasa ko sa mga kinikilos mo eh.

ngo-ngo: bakit naman?

wala nakikita ko lang nag-aalala ka? saan? sa work na yan. alam mo ba halata ko. kilala na kita mula ulo hanggang paa. d mo na kelangan pa itago.

ngo-ngo: oo na! nag-aalala nga me. pero pinipilit ko pa ring maging relax alam mo ba yun? nakuha ko na yung result ng medical ko kanina. Xray ko clear naman. inasar pa ako ni ninang na wag ko na daw hintayin na maging hindi clear! un tapos si nhad naman yung sa wiwi ko cloudy masama daw yun dahil malapit na daw yun sa hindi normal na wiwi. uminom daw ako ng maraming tubig. alam mo naman na d ako mahilig uminom ng tubig diba? pero i will try dahil para sa akin din naman un eh. bukas pinapatawag ako sa agency ng umaga 10am daw.. parang malabo ko pa ata makuha yung atm ko at ID para bukas. hay… nu ba naman yun noh? atchaka about dun sa training ko sa sm sta.mesa ok naman eh. yung mga people lang dun. mejo d ko sila gusto dahil wala na sila alam asarin kung d ako. d ko sila maspell lahat! wish me luck na lang ha?

oo naman kaya mo yan nu ka ba… anjan ka na eh. konting tiis pa.. matatapos din yan. naninibago ka lang sa mga tao sa paligid mo. lahat naman ng tao dumadaan dyan eh. alam mo rin naman na hindi lahat ng tao hindi mo mapi-please okey? just go with the flow! *nosebleed* asust! napa english tuloy ako! uy oo nga pala i like what you did kanina ha. yung sa pag dadasal niyo ng ninang mo. volunteer. astig yun dapat nga palagi mo yun ginagawa eh. para mapasaya mo tita mo diba..

ngo-ngo: ha.. thanks. hindi naman kasi ako ganun ka pagod kanina. isa pa nagpapasalamat din ako dahil dun sa result ng exam ko. maayos kasi eh. minsan gusto ko naman talaga magdasal kaya lang pang-sarili ko lang ayaw ko ng pinapakita ko. panget kasi diba?

uu.. cgeh meme ka na? may lakad ka pa bukas. lakasan mo pa loob mo ha. mwah. ingat ka palagi…

Leave a comment »

work mode na si Ngongo

uy. ngo balita ko may work kana? wow! pa burger ka naman oh. hehe.. congrats ha. epektib yung prayer mo this time noh? wag mo papabayaan ang work mo ha. love it dahil alam mo naman mahirap maghanap ng trabaho.. :) lagi ka lang pray kay God na help ka niya.. lahat ng paghihirapan mo niyan alam ko magiging worthy na. dahil gagawin mo na ang lahat para makahelp ka sa pamilya mo. kapag maganda naman ang intensyon mo magiging okey ang lahat eh. at basta lagi ka lang tumawag dun sa taas.. bukas na ang simula mo sa training pagutihan mo ha. sana happy ka na now. iyan na yung matagal mong pinakamimithing trabaho. mahalin mo ng maige.. :) wag ka na muna masyado magastos okey. love yah.. ingat ka palagi ha…

Elevator operator ka na? hehe…

Leave a comment »

Job Hunting ni Ms. Ngo-Ngo

Mag-aaply ng trabaho ulit si Ngo ngo bukas.. ipagdasal niyo naman siya na matangap, grabe nung martes nag apply siya eh. ang inoffer ba naman sa kanya eh janitorial.. sino ba naman ang matutuwa nun? buti nalang may iba pang choice. elevator operator.. Mejo acceptable pa.. pinatatawag siya sa agency sa thursday pero wednesday pa lang tumawag na yung sa agency sabi pumunta nga daw dun sa cubao at dapat naka formal at may special request pa. sana daw nakatakong daw. para sa height. Si Ngo ngo naman syempre. oo na.. sayang din yun magbabaka sakali rin at least yun hindi janitorial.. Good luck ngo.. alam ko kaya mo yan…

Leave a comment »

Birthday Ni Ngo ngo

Tapos na ang birthday ni Ngo ngo.. Mejo malungkot lang siya dahil naramdaman niya na hindi na ganun ka exciting ang birthday niya.. Naisip lang niya na matanda na talaga siya. Silver birthday niya na kasi eh. Masaya rin naman siya dahil nung birthday niya eh madami rin naman ang nagtext sa kanya. Mga dating kasamahan sa trabaho at mga kaibigan na talagang laging nandiyan sa tabi niya. Hindi siya naglakwatsa nung bday niya. ewan ko ba sa kanya. Siguro tinatamad. Dahil walang pera? haha.. Napansin nga niya nung mejo malapit na siya sa kanila. Wala na palang laman ang wallet niya. Buti na lang nakapagwithdraw siya ng konti sa atm niya. ano ba namang may birthday yan.. walang jones.. ito pa nalungkot si Ngongo nung pagdating niya sa bahay at walang tao, bigla niya naalala na pupunta nga pala tita niya sa kapitbahay nila na kabirthday din niya. Para tumulong dun sa handa nung may birthday. Pag-uwi niya pumunta siya sa kusina umaasang may pagkain na nakahain sa lamesa dahil nga birthday niya! Ang saklap. Wala na nga siyang naabutan sa bahay wala pa kahit na anong pagkain. Sa gutom ni ngo ngo pumunta siya sa bahay nung may birthday na yun at nakita nga niya ang tita niya doon, tumutulong sa paghahanda sa handa ng may handa. Dahil sa sobrang gutom nung inalok si Ngongo na kumain. Walang patumpik tumpik.. Hala cgeh kain kahit kahit na halatang nahihiya siya. Wala siyang magagawa eh. Pagkatapos kumain nagpaalam na si Ngongong umuwi sa kanila. Nanood ng konti ng tv tapos natulog na. Nagising na lang siya nung alas singko na. Mula alas syete nag-aabang na siya ngtawag mula sa tita niya sa japan. Na talaga namang hindi marunong makalimot. Oras na ng pag-kain ng hapunan. Pinagluto siya ng spagetti ng tita niya. Mejo di nanaman nagustuhan ni Ngongo dahil ang ginamit na sauce ng tita eh yung sauce galing japan. Dahil dun sabi ni Ngongo bigyan natin si ate helen kapit bahay nila. at yung may birthday dahil may binigay din naman sa kanila. Ang natira na lang yung konti na tamang tama sa kapatid niya. Buti na lang nagustuhan ng kapatid niya ang spagetti. Mejo may pagkamaselan din kasi yung batang yun. buti na lang. alas otso na.. wala pa rin yung hinihintay niyang tawag.. Naisip ni ngongo baka nakalimutan na birthday nga niya. Hanggang di na nakayang maghintay nakatulog na siya, Kinabukasan pa ng gabi tumawag yung tita niya. Gabi na daw kasi umuwi yung tito niyang hapon. Siguro naglaro ng pachinko at uminom. Nagtampo pa naman si Ngongo. Buti na lang at ganun lang pala yun. O ayan. Kinuwento ko na sa inyo ang nangyari nung birthday ni Ngongo..

(`’•.¸(`’•.¸ ¸.•’´)¸.•’´)

•( **

Abangan ang susunod na

kabanata sa buhay ni Ms.Ngo-ngo

** )•
(¸.•’´(¸.•’´`’•.¸)`’•.¸)
¸.•´¨)(¨`•.¸
(¸.•´ `•.¸)
¸.•´
( `•..?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•

 

Leave a comment »

Unang Post ni Ngo Ngo

ito ang pinaka unang post ko sa blog ko… cguro sa tingin ng ibang tao hindi normal ang may-ari ng blog na ito! oo sa tingin kasi ng ibang tao ang mga ngo ngo at may bingot ay hindi normal.. nabibilang daw kami sa mundo ng ng mga abnormal na tao.. ah.. pwes patutunayan kong nagkakamali sila.. hehehe.. ako ang gagawa ng paraan para naman makilala nila ang ugali ng mga tulad ko.

Comments (1) »