Birthday Ni Ngo ngo

Tapos na ang birthday ni Ngo ngo.. Mejo malungkot lang siya dahil naramdaman niya na hindi na ganun ka exciting ang birthday niya.. Naisip lang niya na matanda na talaga siya. Silver birthday niya na kasi eh. Masaya rin naman siya dahil nung birthday niya eh madami rin naman ang nagtext sa kanya. Mga dating kasamahan sa trabaho at mga kaibigan na talagang laging nandiyan sa tabi niya. Hindi siya naglakwatsa nung bday niya. ewan ko ba sa kanya. Siguro tinatamad. Dahil walang pera? haha.. Napansin nga niya nung mejo malapit na siya sa kanila. Wala na palang laman ang wallet niya. Buti na lang nakapagwithdraw siya ng konti sa atm niya. ano ba namang may birthday yan.. walang jones.. ito pa nalungkot si Ngongo nung pagdating niya sa bahay at walang tao, bigla niya naalala na pupunta nga pala tita niya sa kapitbahay nila na kabirthday din niya. Para tumulong dun sa handa nung may birthday. Pag-uwi niya pumunta siya sa kusina umaasang may pagkain na nakahain sa lamesa dahil nga birthday niya! Ang saklap. Wala na nga siyang naabutan sa bahay wala pa kahit na anong pagkain. Sa gutom ni ngo ngo pumunta siya sa bahay nung may birthday na yun at nakita nga niya ang tita niya doon, tumutulong sa paghahanda sa handa ng may handa. Dahil sa sobrang gutom nung inalok si Ngongo na kumain. Walang patumpik tumpik.. Hala cgeh kain kahit kahit na halatang nahihiya siya. Wala siyang magagawa eh. Pagkatapos kumain nagpaalam na si Ngongong umuwi sa kanila. Nanood ng konti ng tv tapos natulog na. Nagising na lang siya nung alas singko na. Mula alas syete nag-aabang na siya ngtawag mula sa tita niya sa japan. Na talaga namang hindi marunong makalimot. Oras na ng pag-kain ng hapunan. Pinagluto siya ng spagetti ng tita niya. Mejo di nanaman nagustuhan ni Ngongo dahil ang ginamit na sauce ng tita eh yung sauce galing japan. Dahil dun sabi ni Ngongo bigyan natin si ate helen kapit bahay nila. at yung may birthday dahil may binigay din naman sa kanila. Ang natira na lang yung konti na tamang tama sa kapatid niya. Buti na lang nagustuhan ng kapatid niya ang spagetti. Mejo may pagkamaselan din kasi yung batang yun. buti na lang. alas otso na.. wala pa rin yung hinihintay niyang tawag.. Naisip ni ngongo baka nakalimutan na birthday nga niya. Hanggang di na nakayang maghintay nakatulog na siya, Kinabukasan pa ng gabi tumawag yung tita niya. Gabi na daw kasi umuwi yung tito niyang hapon. Siguro naglaro ng pachinko at uminom. Nagtampo pa naman si Ngongo. Buti na lang at ganun lang pala yun. O ayan. Kinuwento ko na sa inyo ang nangyari nung birthday ni Ngongo..

(`’•.¸(`’•.¸ ¸.•’´)¸.•’´)

•( **

Abangan ang susunod na

kabanata sa buhay ni Ms.Ngo-ngo

** )•
(¸.•’´(¸.•’´`’•.¸)`’•.¸)
¸.•´¨)(¨`•.¸
(¸.•´ `•.¸)
¸.•´
( `•..?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•°°•.?.•

 

Say your words