magulo pa rin ang utak ko ngayon!
lahat ng mga tanong ko sa buhay ko wala pa ring sagot.
kelan nga ba nagkaroon ng sagot? puro na lang tanong. sana isang araw yung mga tanong ko eh masagot naman.
pero weird noh? I keep on complaining sobra this past few days.
kanina nagkaroon nanaman kami ng diskusyon ng tita ko. sabi niya. “palagi ka na lang naniniwala sa sarili mo! nakadipende sa mga ginagawa mo!”…..
yung mga bells tumunog sa utak ko.
bigla ko na lang naisip. lahat nga ng nangyayari sa akin ipinagpapasa dyos ko na eh.
hindi ko kaya na dumepende sa sarili ko. alam ko yun. bakit kaya naisip ng tita ko yun.
nasaktan pa ako sa sinabi niya kanina na kamag-anak ka lang namin kaya hindi ka namin maiwan sa ere. bulls eye.. knock out na.. wala akong laban.. taas kamay!
sana makalimutan na nila ang mga mali kong nagawa. all my life naman eh. sumusunod ako sa lahat ng pinagagawa nila kahit na ayaw ko.
hindi ko nga kayang depensahan ang sarili ko sa kanila eh. isa pa hindi lang nila alam mahal ko sila.
pero kahit sabihin ko sa kanila yun hindi naman sila maniniwala sa akin………